Maaga akong gumising noong Linggo. Sobrang aga. Hindi dahil sa atat akong pumunta ng Araneta. Maaga ako gumising dahil sumama pa ako sa ama ko sa Cubao. Ayos lang naman kasi dun din naman ako tutungo eh. Kaya, ayun. Kung anu-ano muna. Mga alas once ako umalis doon at pumunta ng Araneta. Pagdating ko dun ay dumirecho na ako sa Ticketnet para bumili ng tiket ko. May tiket naman na talaga ako eh, binili nila ate Ayie. Pero, Upper B lang yun eh, masyadong malayo! Sabi kasi sa kanila nung binili nila yun, Upper B at General Admission na lang ang meron. Anak ka ng kabute, nanlinlang na naman ang Ticketnet! Marami pa kasing Upper A tickets nung tinanong ko. Pagkabili ko, pumunta na ako sa Gateway para gumala. Mag-isa ako. Nakakaawa ako. Nakikinita-kinita niyo ba? Naka cuarenta y ciete na ikot ata ako sa Gateway eh. At hindi pa talaga ako nakuntento, pumunta pa ako sa Farmers. At nang ako'y napagod, naisipan ko na pumunta na lang sa Starbucks at dun umistambay. Andun ako sa sulok eh, malapit nang mabulok. Nakita ko nga pala si ate Keione. Hindi ko na nilapitan, nahihiya ako eh. Hehe! Ayun. Mga isang oras at kalahati ata ako dun eh. At nang natanggap ko ang mensahe ni ate Ayie na asa Green gate na raw siya, tumakbo ako! Heps, nagbibiro lamang po ako. Mabilis na lakad lang, hehe! Ngunit pagdating ko dun, hindi si ate Ayie ang nakita ko, kundi si ate Mhalou. At usap-usap. Maya-maya ay dumating na si ate Ayie, na cute daw talaga sabi ni ate Mhalou. Pumunta kami sa Gateway at nang wala nang magawa, napagpasyahan nilang pumunta na lang sa DQ sa may Araneta at dun tumambay. Kwentuhan to the max talaga! Maya-maya ay nagtext na si ate Pen na malapit na raw siya. Nang dumating siya, pumunta kami sa South Gate. At nang wala kaming nasulyapan, inikot namin ang labas ng Araneta. Kamusta naman ang sikat ng araw? At yun, pumila na kami sa may Green gate. Kung anu-anong kalokohan. Itext ko daw si Coachie at itanong ko kung may banner siya ng Ginebra (kahit alam naming wala siya nun. hehe!). Ako naman, sige lang... text lang! At nung nasa pila nga, katuwaan talaga. Picture daw ng picture at ilagay sa background ang napakahabang pila at ipakita raw kay Coach Siot para malaman niya ang naranasan naming hirap sa pag-pila. Mga adik talaga kayo! Hahaha! Nung magpapasok, itinago ko na yung pinakamamahal kong digital camera sa jacket ni ate Ayie. Salamat sa iyong damit panlamig, ate Ayie. At nung asa loob na nga, takbo agad ako. Napunta ako sa Sec.311 nun eh. Biglang nagtext si ate Jhen na asan daw ako. Edi sinabi ko kung na saan man ako naroroon. Sabi niya, SMB daw doon. Nung nalaman ko, alis ako agad. May pareserba-reserba pa ako ng apat na upuan, eh hindi pala Ginebra don. Haha! Ayun, nakakahiya, hehe! Salamat ate Nessa. Salamat sa pagsundo! At nang nakaupo na, burat na burat na talaga ako. Dapat may award daw ako na early bird! Hehe. May naglalaro. Mga artista at mga pekeng PCG. Andun ang mga maiinit (hot!) na sina Jhong Hilario at Drew Arellano! Si Vandolph ang patok eh, hehe! Nang matapos ang laro, kwento muna ng sandali. Maya-maya ay may lumabas na Ginebra player. Aba'y si Sunday Salvacion pala. HEPS, at may kasunod siya eh. SI COACH SIOT! Anak ka ng patatas, sa maniwala kayo at sa hindi, nawala na ako sa sarili at hindi na talaga ako mapakali. Itanong niyo pa sa katabi ko! Haha, di ba ate Jhen? Tapos, lumabas na rin si MAC at si Ronald. Tapos, si Los Angeles na. Hahaha! ENAKO! Nakakainis talaga itong si Tenorio. Walang kakupas-kupas ang pagiging mainit (hot!). Namimiss ko na tuloy ang paglalaro niya para sa Ateneo. Haay. Mag-isa lang siya na SMB player nun eh, nakakaawa. Maya-maya ay lumabas na rin si Calaguio. Hehe. Warm-up warm-up lang sila dun. Hindi ko namalayan, malapit nang mag ala seis nun. WUHOOOO! At yun na nga. Eto ang aming posisyon, kaming magkakatabi, Ate Jhen, Ate Kei, ako, Ate Mai, Ate Katt. Dumating din si ate Bianx at ibang mga tiga MyPba pero sa may aisle na lang sila umupo eh. Pasensya na po ah. At nagsimula na ang laban. Masaya, nung una. SOBRA. Nung half time, literal na tulog ako. Hehe! Haay! Kamusta ang mga referees? Ang sarap nilang pag-uuntugin! Ayoko na magkwento tungkol sa buong laro. Yung huli na lang. Sayang eh. Kasi, sana hindi na lang nila sinakripisyo yung tres na yun. At talagang si Rafi pa ang nag-shoot eh! Dapat nag dos na lang sila at hinayaang mag overtime ang game. Sayang talaga eh. Ayan tuloy, 2-0 na ang San Miguel. Ano ba yaaan. Nakakaiyak pero hindi makaiyak. Ang dami kasing tao eh. Pagkatapos ng game ay lumabas na ako agad.
At eto na ang pinakahihintay. Nang magkita-kita kami nila ate Ayie, andun na kami at nakaabang. Hehe! Unang lumabas, ay ang Reyes Clan. Nako poooo! SI ICE REYES! Waaaah! Pagkatapos ay si Coach Nash at ang kanyang pink na stroller. Tapos, mga SMB players na eh. Unang Ginebra player na lumabas ay si Billy Mams. Ang tagal, sobra! Maya-maya ay nakita kong may parating na. Ang aming pinakahihintay. SI COACHIE!!! Syempre, sugod noh. Noong una, hindi ko ma-timing-an ang pakikipag-usap sa kanya. Hindi mawawala ang pakikipag-kamay sa kanya noh. At ang pag-uusap. Hehe! Noong marami nang pumaligid sa kanya, syempre hindi kami nawala noh. Nakapagpapirma ako at nakapagpakuha ng litrato. Hehe ang saya. Na-miss ko talaga ang Coachie ko!! At yun nga, litrato dito at litrato doon. At nung mejo umonti na, hirit ko agad... "Coachie!" tumingin naman ang mama na mahal ko. "Si ate Ayie o!" sabay turo kay ate Ayie. At habang nagmomoment sila kasama ni Sioting, nakihalubilo muna ako kay Coach Jong. May kumakausap sa kanya na SMB fan eh. Sabi, "Coach Jong! Balik ka na sa amin! Hinihintay ka na namin sa San Miguel!" Napangiti lang ng matamis si Coach Jong. Nagsalita ulit yung fan, "Di nga Coach. Walang halong ka-plastikan! Balik ka na po sa amin!" sabi na lang ni Coach Jong, "salamat, salamat!" ako namang si sira ulo, nakihirit din ako! "Hindi! Amin lang yang si Coach Jong. Di ba, coach?" aba at sinagot niya, "O. Sa kanila lang daw ako eh." sabay tawa niya at tawa ko rin. tawang-tawa talag ako dun. wahahaha! ang landi eh. haha! Sabi naman nung isang BGK fan, "Coach ang daming mali sa game ah. Bakit po kaya ganun?" sa isip-isip ko, anak ka ng patatas. ang demanding! sabi na lang ni coach jong, "Ah oo nga eh. Kakakita ko pa lang nung mali kanina. Sa Wednesday, itatama na natin ah!" hehe. at yun. wala lang. in fairness, hindi na rin inii-snob ng mga tao si coach Jong ah. Nung kakasimula pa lang nung konperensya, dire-direcho lang siya mula South gate hanggang sasakyan niya. Pero nun talaga, galing! hehe. At syempre, coach Siot naman ulit. Di papakawalan noh! hehe! Si Coachie, blabber. Lagot ka kay kuya Carlo. Hahaha! Hahaha!!! At nung umalis na si Coachie, nakita namin si Mac. Haha takbo talaga. Literal! Yung digicam ko kasi ay may double flash. Pinipicture-an ko si Mac nun eh. At pagclick ko, syempre nauna yung unang flash. Napansin niya kaya sinabi niya ng malakas... "UY!" *sabay ngiti ng malaki* waaah nakakatuwa yung picture. ang kulit, sobra! hahaha! nung paunti na nang paunti ang mga tao, hihirit sana ako kay Mac na pa-kiss naman. Pero hindi natuloy kasi... hehe. basta. Ayun! Tas nagkita na kami ni Ate Dane. Nakaabang na kami sa may sasakyan nung isang mama. Hehehe! Tapos, umalis sandali si ate Dane at ako naman, pumunta kanila L.A. maya-maya eh nakita ko na si L.A. na naka orange polo. May kausap sa telepono eh kaya hindi ko makausap. Pero habang naglalakad ay nakasunod lang ako. Mukha talaga akong sira ulo dun. Sobra! Hehe pero nakapagpicture kami noh habang may kausap siya. Haha makapal ka talaga, Cha! At yun. Sunod pa rin ako hanggang sa kotse niyang cute. Haha! Ayan na, chinika na ni ate Dane. May isang nagpapirma, ako yung pangalawa kasi hinanap ko pa yung ballpen ko eh. At nung inabot ko na yung papers (marami talaga eh. haha), anak ng tae. eye contact ito. sobra! as in titigan talaga kami, hahaha! at naintindihan ko talaga ang ibig sabihin nun kaya sinabi ko, Cha po! (ang ibig sabihin ng titig niya ay anong pangalan ko. hahaha) at pagkatapos niya sumulat, sabi ko, "Thank you po." aba sumagot, "Sige po!" ahaaaaay :D syempre picture noh! usap-usap. sabi ni ate Dane, "Si L.A. pinapahirapan ang Ginebra." sumagot ako, "Oo nga. etong si L.A. talaga. Pinapahirapan si Jayjay!" Sabi niya, "Hindi ah. Ang tulin-tulin nga nun eh" haha tawa lang kami. picture picture. at nung moment na ni ate Dane, nakapose na ah, at pipindutin ko nalang yung shutter button, biglang nag-low batt. sabi ni L.A. "Ay lowbatt na eh." sabi ko, "de de. sa phone ko, sa phone ko, sa phone ko!" --haha tatlong beses talaga, pangako! at picture capture failed ng dalawang beses. tapos nag memory full pa. sabi ni ate Dane, "Sige na nga. wag na!" tinignan ko yung digicam ko, may napreserve na batterya. kaya sabi ko, "Dali na ate Dane! Meron pa o." Kaya sabi ni ate Dane kay, "L.A. isa pa! Hindi nakuha eh." At sa wakas, nakuha na! Pagkatapos kuhanin yung litrato, sabay hirit ko na... "Yun yon eh!" at lumayas na ako. Hinintay muna namin siyang umuwi. Si Wesley, nakita ko at syempre picture. Una, nakayuko eh. Sabi pa ng sabi... "Tara na. dali. Punta pa ako ng Antipolo!" hehe at tinawag ko talaga. "Wes!" tingin naman ang mamang gwapo. at ang cute ng kuha niya. Haay, namimiss ko na talaga ang Ateneo days nila! At yun. Syempre, text noh. At naglakas-loob na akong magpakilala. "Ako po yung naka-brown na kasama ni ate Dane kanina. I'm Cha!" ayun. pauwi na kami ni ate Dane, may kinwento siya. Di ba nga sinabi ko kasi na "YUN YON O!" after ko silang mapicture-an. Anak ng potah. Sinagot pala ako ni L.A. nun eh. Waah di ko narinig! Sayang! After ko raw sabihin yung "yun yun o!", sinabi ni L.A. na "YUN YON EH!" parang ako, waaaah! Hahaha. At kwentuhan. Sa Don Antonio nakatira si Rico Villanueva at si Bing. DOON LANG SIYA NAKATIRA! Waaah, haha! Kaya pala parati ko siyang nakikita na nakasakay sa F150 niya na tadtad ng stickers ng Redbull eh. Ayun, uwi na. Uwi na, uwi na, uwi na. At syempre, inilipat ko na ang mga litrato sa laptop. Masaya at malungkot eh. Haay. bahala na Siya! Kayo na po, Lord. Bahala na po Kayo! Shot, cha +
Comments:
Post a Comment