Ang tagal na nung last post ko!
Anyway, hehe. After the lovely school fair of ours, it was time for English Week. JUST ENGLISH WEEK. And mehn, the word REST was erased in my vocabulary for two weeks. I'm serious. And it's so g-damned good! NOT! It was hell, but fun though. I love my musical mates. I just love you, guys! I was with them everyday until like 9 in the evening because of our wonderful practices. Haha, can you imagine me acting? I myself, can't! Hahaha. Magaling, magaling, magaling. Talagang napaarte niyo ako! *salute* I can't think of anything more to say here. hehe!
Copied and pasted from my multiply: (owmehged. I'm loving my multiply!)
Ang nakaraang linggo ay sobrang nakakapagod para sa mga nilalang sa mataas na paaralan sa aming eskwelahan. Grabe talaga ang Linggo ng Ingles. Gabi na ako parating nakakauwi, at maaga na ang alas ocho y media. Kamusta naman yun, hindi ba? Walang tigil ang pag-eensayo upang makamit ang nais naming abutin na pagkapanalo. Pero, sa isip-isip ko, hindi na rin importante ang manalo. Basta magawa naming maayos at mapakita namin SA KANYA (sana kilala mo kung sino ka!) na mali ang mga pinagsasabi niya at mali ang ginawa niya sa aming kabastusan. Masaya parati ang aming ensayo. Sobrang saya. Hinding-hindi ko malilimutan ang Linggo ng Ingles na ito. Sarap sumigaw ng... "Orpheus and Eurydice, ZE BOMB!" hehehe. Ang galing nga eh. Akalain niyo, napaarte nila ako? Pinakapal nila ang mukha ko. Makapal na nga, aba'y mas pinakapal pa! Magaling, magaling, magaling! Haha! Ensayo lang ng ensayo na parang walang kapaguran.
Noong Miyerkules ng hapon ay nagkaroon ng laro ang Varsity Volleyball laban sa Holy Family kaya napahinga muna ako sa aking pag-aarte. Haha! Dumayo kami sa Tandang Sora upang makipaglaro nga sa kanila. Pagdating namin dun, sabi ko... "Dapat ko pa lang mahalin ang Holy Spirit! Dapat talaga!" sana malinaw sa inyo ;) hehe. Anak ka ng patatas o. Biruin niyo, natalo kami! Natalo kami sa Holy Family? Ampootek naman yan! Pero, wala lang sa amin, manalo o matalo. Practice game lang naman kasi yun. Pagkatapos, dumirecho na ang team sa Fazoli's. Mahal ko ang aking mga teammates. SOBRA! Ang saya talaga. Kain dito, kain doon. Si Bb. Aniago kasi eh, grabe magpalamon. LAMON talaga. Haha! Hindi rin niya kami binusog ng sobra-sobra. Pizza, Pesto, Lasagna, Chicken, Fries, Bottomless Iced tea. Basta marami talaga yang mga yan.
Kinabukasan, may laro ulit kami ng hapon. Ngunit sa aming paaralan na gagawin laban sa New Era University. Training muna. Ayos. Panalo kami. Magaling si 9, si Poknat! Haha. At meron dun na kasing liit ng piso ang boses. Anak ng patatas, seryoso ako! Pagkatapos ng laro, direcho na sa may AVR para ipakita kay Bb. Benitez ang ipapalabas namin kinabukasan. Ayoko nang magkwento pa ng kung ano man ang nangyare. Baka hindi ko lang mapigilan ang sarili ko eh. Direcho kami sa Granwood para mag-usap. Ang saya. Mahal ko silang lahat! Kilala niyo na kung sino kayo ;)
At dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Araw ng Ingles na para sa mga nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan sa amin. Grabe, ang saya. SOBRANG SAYA! Pakapalan na kung pakapalan! Bahala na kung wala nang mukhang maihaharap. Pero, grabe. todo saya talaga. Lalo na nung sinasabi na kung sino yung mga nanalo. MASAYA TALAGA! Hindi kami nanalo, pero may ibang rason para maging masaya ako/kami. IN YOUR FACE! Pagkatapos ay uwi na. Hindi na nga ako nakasama sa "victory party" ng mga tiga-musical eh. Sayang. Gusto ko na rin kasing umuwi at magpahinga. At syempre, may papanoorin pa eh. Kaya ayun.
The Cast:
Orpheus-Reena Rodriguez, Eurydice-Nycel Ramiro, Aison-Yna Mendez, Alphaios-Diane Pabua, Anthea-Jessie Ericta, Hades-Raisabelle Rejano, Anthropos-Phylicia Cristobal, Lachesis-Gabrielle Alejandro, Clotho-Krizhelle Mendoza, Persephone-Franchesca Santos.
The Crew:
Director-Patricia Buenaventura, Props-Kiersten Sanchez, Kim Mapua, Kristina Basilio, Patricia Almendra, Stephanie Cruz. Special thanks to--Charlene Bautista and Lara Gonzales.
Waaah, mahal ko kayong lahat!:)
OKAY. TALO! SI LEWIS ALFRED TENORIO KASI. IKAW KASI EH. KUNG HINDI LANG KITA MAHAL NOON PA MAN, NAKO! hahaha at talagang may ganun? Di bale. Babawi. Manonood ako ng live sa Linggo. Roar! 1-0 na.
At buong Sabado ay wala akong ginawa. Iniwan pa akong mag-isa sa aming bahay. Hindi tuloy ako nakapunta sa bahay ni Joan para sa aming imbestigatoryong proyekto. Pasensya na sa inyong lahat. Ayun. Hanggang ngayon, pagod pa rin ako. Shot, cha +
Comments:
Post a Comment