Nakalimutan ko nga palang ikwento ang aming mahaba-habang pag-uusap ni Coach Sioting! Kasi before the game, pinaabot ni Kuya J kay Ate Rubz yung application para sa site. Haha! Nakakatuwa naman si TM Allan Caidic. Aba'y ginawang 1/4 yung white legal-sized envelope at inilagay sa pocket. Nakakatuwa talaga. Hahaha! Tapos nga nung asa southgate na kami, sabi ni kuya j sa akin, sabihin ko raw kay sioting na ipaalala kay TM ang application. Ako namang si gaga, nawala sa utak ko na coach siya at fan lang ako. Wahahaha! Eto eto:
Ako: "Coach siot! Hmm, pinapasabi po nung administrator nung ginebraonline, yung sa banner, na pakipaalala naman po yung application namin para sa official site." (mejo nauutal-utal pa ako nun :p hahaha)
Siotee: "Ha? Ano?"
Ako: "Pakipaalala po kay Coach Allan Caidic yung application na ibinigay before the game. Yung about sa site po."
Siotee: "Yung binabasa niya ba kanina? Yung before the game?"
Ako: "Opo, yun po. Application po namin yun."
Siotee: "Anong gagawin ko?" (wahaha ang kulit!)
Ako: "Pakipaalala po kay Coach Allan."
Siotee: "Ah immention ko lang? Immention ko lang sakanya?"
Ako: "Opo opo!"
Siotee: "Okay sige!"
Ako: "Thank you po"
*tuloy ang lakad*
Grabe. After lang ng pag-uusap na yan ko narealize na ako'y si Cha lamang at siya'y si Coach Siot Tanquingcen. Hahaha! Seryoso. Grabe, ang tagal kong ka-eye contact si Sioting nun! As in, habang pumipirma siya nun, nakatingin siya sa akin :) Ang saya talaga mabuhay kapag isa kang siot-lover at ginebra fan :D HIHI! Yun lang. Nalimutan ko lang ikwento ito :) Shot, cha +
Comments:
Post a Comment