Dahil sa buwan ng wika ngayon sa aming paaralan, nais ko pong makisama kayong lahat sa aking pagtatagalog; maganda man ito pakinggan o hindi.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagtala dito sa aking talaarawan. Ang aking huling paglalagay ng entri dito ay noong ika-12 ng Agosto pa. Wala na rin akong masyadong naaalala sa mga nangyari sa mga araw na hindi ako nakabisita dito.
Dalawang linggo na ang nakakalipas nang makausap ko si Ate Ayie sa telepono. May nalaman akong mga bagay-bagay na talaga namang ikinatuwa ko. Akala ko kasi ay inubliga ni Ate AYie yun, hindi pala. Malakas na ba? Ha-ha. Tuwang-tuwa talaga ako nang malaman ko iyon. Pakiramdam ko ay isa na ako sa mga massuwerteng nilalang sa mundong ito. :)
Siya nga pala, magssimula na ang PBA sa ikaisa ng Oktubre. Magkakaroon nga ng laro ang Ginebra eh, at makakalaban nila ang Welcoat. Sana'y makapunta ako :) Nabanggit ko ang Ginebra, kararating nga lang pala nila galing Brunei noong isang Sabado. Napaaga ang uwi dahil di na nakapasok sa Semifinals ng Brunei Cup sapagkat 1-4 ang naging kartada nila doon. Ayos lang yun, Sa PBA naman ang makukuha niyong kampeonato ngayon eh ;) Dumating na nga pala si Hatfield :)
Kaninang umaga ay nagtanghal ang iba't ibang seksyon sa aming baitang ng kani-kanilang presentasyon. Sino ba naman ang nagulat? Hakutan na sa Bayanihan. Buti nanalo ang Pamayanan sa Awit. Iniaabot ko ang aking malugod na pag-kkongrats sa inyo, Pamayanan lalo na kanila Smile, Leng at Lica. Sa Bayanihan naman, kongrats din lalo na kay Nia, Rosa at Deewai ;) Kanina ay nagkaroon ng sorpresang Quiz Bee. Nagtawag ang mga guro ng mga numero sa klase at sa kamalasan, isa ako sa mga natawag. Pero, nanalo ako ah! Ha-ha. Itinaas ko ang bandila ng Sandiwa ;)
May Science and Math Week pa, at ENGLISH WEEK (the bloodiest of them all) :)
Hanggang ngayon pala, may sakit pa ako. Minabuti ng aking magulang na hindi muna ako mag-training ng isang linggo at nang bumuti naman ang pakiramdam ko :)
Andito na nga pala ang aking ama. DUmating siya noong 22. Kasama niya ang Moto razr at Apple Ntbk Laptop ko. Hihi, kakilig! :)
Hanggang dito na lamang, paalam! :) Shot, cha +
Comments:
Post a Comment