Ang mga huling taon ng dekada '80 at ang mga unang taon ng dekada '90. Ito ang panahong uso pa ang makiuso. kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!
Ito ang panahon natin. Pero pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you're one of us. r u?
1. Paborito mong panoorin ang shaider, bio-man, maskman, mask rider black, machine man at kung ano-anong tv sitcom ng japan na isinalin sa tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing sabado dahil panahon na para sa superhero marathon. (at minsan natutuwa kang maki-shigi-shigi-uuaa!)
2. Alam mo ang jingle ng nano-nano. (isang kending lasang champoy)
3. Nanood ka ng takeshi's castle at naniwala kang si anjo yllana talaga si takeshi at si smokey manaloto ang kanyang alalay. (pinagiisipan mo - pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa japan ginagawa yun eh tagapilipinas sila?)
*4. Alam mo ang pa-contest ng kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ng "kool 106, kool 106" hanggang maubusan ka ng hininga. (speaking of istasyon ng radyo,naabutan mo pa na napaka-barok at corny ng jokes sa 93.9)
*5. Naglaro ka ng shake-shake shampoo, monkey-monkey-annabelle, prikidam 123, langit-lupa-impyerno, land-water-air-go, syato,luksong-tinik,luksong-baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.
*6. Pumunta ang mga taga- milo sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, 'bakit hindi ganito ang lasa ng milo kapag tinitimpla ko sa bahay namin?')
7. May malaking away ang mga metal (mga punks na naka itim) at mga hiphop (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. sikat ang kasabihang "punks not dead!" pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong hiptal.
*8. Alam mo ang universal uwian song na "uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa nakasal.
*9. Nagpauto ka sa batibot pero hindi sa atbp.
*10. Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game.(hi-tech na yun noon)
11. Ang "text" noon ay mga 1"x1.5" na karton na may mga drawing ng pelikulang pinoy. (at may dialog pa!)... at yung isa pang version nito ay may mga picture ng kotse na may statistics na di mo naman maintindihan ang koneksyon nito sa picture ng astig na kotse o
dragster.
*12. Dalawa lang ang todong sumikat na wrestler, si hulk hogan at si ultimate warrior. Naniwala ka rin na namatay si ultimate warrior nang buhatin niya si andre d' giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle... at nagustuhan mo na rin si jake the snake.
13. Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa'yong (bleep) sa saliw ng mga kantang ice ice baby, wiggle it, pray at can't touch this.
14. Hindi ka gaanong mahilig sa that's entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang monday hanggang friday group.
*15. Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng yano, rivermaya, grin department, tropical depression, the teeth, the youth, after image, orient pearl, the dawn, alamid, wolfgang, at ang sikat na sikat na eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng siakol!)
16. Kilala mo ang smokey mountain, (first and second generation)
*17. Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong "mighty kid"
**18. Kung lalaki ka, sikat na sikat sa'yo ang mga larong text, jolens, dampa (mga unang anyo ng pustahan), saranggola at ang dakilang manika niyo ay si gi-joe with matching alipores.
19. Kung babae ka naman, ang mga laro mo with your girlfriends ay luto-lutuan, bahay-bahayan, doktor-doktoran, at kung anu-ano pang pagkukunwari.ang dakilang manika mo ay si barbie. (sikat ka kung meron kang bahay, asawa, kotse at kabaong ni barbie.)
20. Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.
*21. Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng cedie, sarah, at dog of landers a.k.a. nelo. (hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si nelo lang ang di yumaman at namatay pa nang maaga)
*22. Alam mo ang ibig sabihin ng "time first!" bakit kaya ganon? kahit sang lupalop ka ng pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko.siguro'y dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote.
pero kung ano man ang dahilan sa pagkaparepareho natin ng karanasan, masaya na rin akong naging bata ako sa panahong ito. masarap alalahanin at balik-balikan. di ba?
I was born in the year 1990. And what the hey, natatamaan ako sa mga andun sa taas! HAHA. See the asterisk sign :)
Teka. Bigla ko lang naalala ang POWER RANGERS. Mighty Morphin, power rangers. Miss ko na yung original na power rangers. Ako pa ay nakikipag-laro sa aking mga kababata dati sa aming street (na ngayon ay mga dalaga't binata na rin) at kunware ay ako si PINK RANGER at yung si White Ranger na ka-love team ni pink ay yung aking childhood crush. Haha, pinilit ko pa sya nun na maging si white ranger. wahahaha!
Sino rin ba ang makakalimot sa mga anime shows na GHOST FIGHTER at FLAME OF RECCA? Mga "magical" anime shows na kung saan bumubuo ang mga magkakaibigan ng sari-sariling kuponan upang lumaban sa mga weird na halimaw para masagip si Jenny (ng Ghost Fighter) at si Aya (ng Flame of Recca). Hanep rin sa kagwapuhan ang mga back-ups nila na sina Vincent at Dennis (ng G.Fighter) at si Dylan at Lorkan (ng F of Recca). Sino ba ang di nagmamadaling umuwi para mapanood ang mga yun? Di ko malilimutan, grade 3 hanggang grade 4 ako noon.
Whew, that was one big confession I just made. And hey cha, great job! Nawa'y di ka pagbabatuhin ng kung anu-ano sa school bukas! De joke. Haha!
Haaay, ang sarap nga po balikan ang mga panahong ako ay bata pa. Pero, bata pa rin naman po ako eh. Yun nga lang ay kinse na sa ngayon at magiging deice seis sa disyembre.
Kaya sa mga bata jan, payo ko lang sa inyo ay wag nyong madaliin ang inyong mga sarili na maging matanda. Enjoy being a kid. It really is one of the best stages of life. :) Shot, cha +
Comments:
Post a Comment