Pwede ba akong mag drama? Ang boring eh. Pero, I promise, lahat nang sasabihin ko dito ay galing lahat sa puso ko. Naks! May mga tao nga naman na sadyang swerte sa buhay. Pero may mga tao ring sadyang malas sa buhay. Pero karamihan ay ang taong minsan minamalas at minsa'y sinuswerte. Siguro, ang sarap mapabilang sa mga grupo ng tao na swerte, ano? Yung tipong, lahat nalang nang magganda ay nangyyare sa kanila? Kanina, binuksan ko ang email ko. At marami akong nabasa na mga pangyyare sa iba't ibang tao. Habang nagbbasa ako, sabi ko sa sarili ko.. "Wow, how lucky can these people get? Nakakainggit naman!" De.. totoo, nakakainggit sila. Porket bata pa kasi ako at hindi ko magawa yun. Kaya ako naeexcite na magcollege eh. Yung mga bagay na inaasam asam ko na gawin ay magagawa ko na pag apak ko sa kolehiyo. Teka, bat ba ako tagalog na tagalog? Haha. Pero, totoo. Yan yung reason kung bakit ako naaatat na maging college student. Ang dami kong gusto gawin na di ko magawa. Ang dami kong gustong puntahan na di ko mapuntahan. So ngayon lang, narealize ko.. gusto ko na talaga magcollege. Haay. pero, alam ko.. sa ngayon, pwede ko na gawin yung mga gusto kong gawin eh. Nga lang, walang oras o bawal lumabas. Grabe na nga eh. Sakal na sakal na talaga ako. Minsan, kailangan ko pang magsinungaling sa nanay ko para lang magawa ang isang bagay. Anyway, sobrang naiinggit na talaga ako sa kanila. SOBRA. Isang punta ko lang sa gusto kong puntahan, alam kong MAAALALA ako nung isa o dalawa o tatlo o apat o limang tao na pupuntahan ko. Isang punta lang talaga. At ako'y nangangarap na pagdating nang tatay ko galing Amerika sa Mayo ay matupad iyon. Sana talaga. Matagal ko na tong plinano, sana hindi masira. Pangarap ko yun. Totoo. Ang swerte nila, yung pangarap ko na iyon.. sobra sobrang nakamit na nila. Yung tipong, sila'y bahagi na non. Yung, hinahanap sila sa oras na wala sila dun. Grabe. Ang swerte. Gusto ko sana maranasan yon. Haay. Gusto ko rin sana makasama ang mga tao na yon kasi pangarap ko rin na makasama sila o makausap man lang sandali. Pero, alam kong ttablan ako nang kahihiyan dahil nga sa nangyare dati na alam kong hindi na mawawala. Though ayos na kami, alam kong meron pa rin. at nahihiya ako. Mag sorry man siguro ako nang isang milyong beses, di pa rin matatanggal yung hinanakit na yon. Nakakahiya talaga. And I loathe myself for doing that. Sometimes, I am also hesitating to go to that place. Kasi iniisip ko, paano kung andun sila tas makita nila ako na andun, syempre.. di pwedeng di mag usap yun.. ssabihin ko syempre na ako si cha. Natatakot talaga ako dun eh. Pero, ewan. bahala na. Gusto kong makamit yung swerte na nalalasap nila. At alam ko, balang araw ay makukuha ko rin yon. At siguro sa panahon na yon, matatanda na talaga kayo at ako na yung katulad nang kung ano kayo ngayon. Hehe. I'm once again thinking too much pero nangangako ako na mangyyare lahat nang ito. Sadyang swerte sila. Balang araw, ako naman :) Shot, cha +
Comments:
Post a Comment